Philippines Report

Truck ‘lumubog’ sa kalsada

Truck 'lumubog' sa kalsada

Truck ‘lumubog' sa kalsada: Parang nilamon ng mabangis na kalsada ang isang 14-wheeler na truck sa may Roxas Boulevard matapos bumigay ang sementadong kalye nitong Linggo ng madaling araw.

Kuwento ng drayber na si Michael Lagco, tila kinain umano ng lupa ang trak sa kanto ng Remedios Street at Roxas Boulevard.

Pansamantalang hindi madaanan ang kalsada at nilagyan na rin ng harang ng mga awtoridad.

Puno ng buhangin ang trak na mula pa sa Pampanga at maghahatid sana ng karga nito sa Baywalk para sa pagsasaayos ng Manila Bay.

Ayon kay Arnel Isanan, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Sector Commander ng Roxas Boulevard, inaasahan na matatagalan pa bago matanggal ang trak sa lugar.

Nahulog daw ang trak sa drainage na palabas ng Manila Bay. Lumusot daw ito doon sa bahagi ng kalsada na walang suporta sa ilalim.

Tintingnan din ng MMDA at Department of Public Works and Highways kung apektado ang ibang bahagi ng kalsada dahil may mga crack na rin.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x