Philippines Report

Unplanned pregnancies tumaas tuwing may natural calamity, POPCOM

Unplanned pregnancies

 May posibilidad na dumami ang mga mabubuntis ngayong may umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon, ayon sa Commission on Population and Development (POPCOM). 

Ayon kay POPCOM executive director Juan Antonio Perez III, dumadami talaga ang unplanned pregnancies o hindi planadong pagbubuntis tuwing may mga natural calamity.

Ito aniya ay dahil naghahanap ng intimacy ang mga tao bilang pinakamadaling pagkukunan ng comfort. 

“Noong past crisis natin na medyo malaki, ‘yung Yolanda na matagal na walang services sa mga ilang munisipyo na hard hit, we noticed na nagkaroon ng increase ng teen and other pregnancies,” ani Perez. 

Normal lang aniya ito tuwing may mga kalamidad. 

Pero sa tantiya ni Perez, posibleng dumami nang 50,000 ang mga ipapanganak sa Disyembre o Enero lalo't hindi accessible ngayong panahon ang mga serbisyo patungkol sa family planning supplies and services. 

Kaya payo niya na magkaroon ng family planning para hindi madagdagan ang problema sa inaasahang pagbagsak ng ekonomiya pagkatapos ng health crisis sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). 

Dahil dito, nagpamahagi ng 3 buwang supply ng contraceptives ang POPCOM at Department of Health sa mga residente sa Metro Manila, partikular na sa Taguig. 

Magpadala ng pera sa inyong mahal sa buhay gamit nito click this.

Namahagi ng birth control pills, injectable pregnancy control drugs at condoms sa mga residente ang Taguig City Health office bilang bahagi ng kanilang relief supplies. 

Ayon sa health office, bilang paghahanda ito sakaling dumami ang wala sa panahong pagbubuntis habang may lockdown. 

Tuloy-tuloy naman ang operasyon ng clinic ng POPCOM sa Mandaluyong City mula Lunes hanggang biyernes para sa mga kailangan ng family planning services ngayong may national health emergency. 

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x