Philippines Report

No More Prepaid Load Validity : Isinusulong Ng Bagong Henerasyon Party-list

Ipinaaabot ni Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette “BH” Herrera-Dy sa administrastyong Duterte na ipabasura na ang kautusang nagbibigay ng validity period sa prepaid loads.

Aniya, ang National Telecommunications Commission’s Memorandum Circular 03-07-2009 ay lalo lamang nagpapahirap sa mga Pinoy na gumagamit ng prepaid loads.

 prepaid loads

Sa isang resolusyon, iginiit ni Herrera-Dy na dapat masiyasat ang aniya’y hindi makatarungan na kautusang ito ng NTC na ang pinapaboran lamang ay ang mga telecommunications companies (telcos).

Sa sistemang ito aniya’y napagsasamantalan ang mga mahihirap na ang kaya lamang ipa-load ay mababang halaga.

Batay sa MC 03-07-2009, ang prepaid loads mula P250 – P300 ay may mahabang expiration date kumpara sa P10 – P50 na tumatagal lamang nang hanggang tatlo – 15 araw.

“The “progressive” schedule under the said Memorandum Circular is downright anti-poor as it only favors richer and more affluent users who benefit from longer validity periods, as against poorer customers who quickly lose the right to use up their load,” diin ni Herrera-Dy.

Aniya, hindi naman nabubulok ang prepaid load para bigyan ng mas maikling validity period.

Source: Remate

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response