Philippines Report

Walang Pinoy na nadamay sa Italy quake – DFA

Italy quake – IPINAHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala pang naiuulat na Filipino casualties sa pagtama ng magnitude 6.2 na lindol sa Italy.

Ayon sa DFA, base ito sa nakuha nilang impormasyon mula sa Philippine Consular at Labor officials doon.

Kaugnay nito, sinabi ni OWWA Welfare Officer Hector Cruz na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa Filipino communities upang masigurong ligtas ang mga ito.

Tinatayang 170,000 Pilipino ang naninirahan at nagtatrabaho sa Italy.

Nagpaabot na ng tulong ang maraming bansa sa Amarice , Italy matapos na tamaan ng magnitude 6 na lindol.

Sa pinakahuling bilang ay pumalo na sa mahigit na 160 ang namatay sa nasabing pagyanig.

Personal na tinawagan ni US President Barack Obama si Italian President Sergio Mattarella saludo ito dahil sa mabilis na ginawang pag-rescue sa mga natabunan ng lindol.

Ipinaabot na rin U.N. Secretary-General Ban Ki-moon ang kaniyang pakikiramay at pagtulong sa mga nasalanta ng lindol.

Ayon sa Health ministry ng Italy, karamihan sa mga namatay ay mga bata. Isang 8-anyos na batang babae naman ang matagumpay na nailigtas matapos na ito’y matabunan.

Nakita ng mga rescuer ang bata na agad nilang dinala sa pagamutan. Nagpaabot na ng tulong ang maraming bansa sa Amarice , Italy matapos na tamaan ng magnitude 6 na lindol. -30-

 

Remate

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response