Philippines Report

Willie Revillame invites Jeyrick ‘Carrot Man’ Sigmaton in ‘WowoWin’

Bumisita ngayong linggo sa GMA si Jeyrick Sigmaton, na tinaguriang “Carrot Man” na ngayon ay sumisikat sa social media dahil sa kaniyang pagkakahawig sa ilang artista at kasipagan.

Sa mga naunang pahayag, sinabi ni Jeyrick na masaya siya sa kasikatang tinatamasa dahil nabibigyang-pansin muli ang Mountain Province at ang mga tulad niyang Igorot.

Bukod sa pangarap na makapagtapos ng pag-aaral at makatulong sa kaniyang pamilya at mga kapatid, ibinahagi rin ng binata ang pagnanais niyang makita ang kaniyang idolo na si “Wowowin” host Willie Revillame.

Nitong Lunes, bago umuwi si Jeyrick sa Mountain Province mula sa sandaling pagbisita sa Maynila, nagkaroon siya ng pagkakataong makaharap ang batikang host.

Nagkita ang dalawa matapos ang kauna-unahang live TV guesting ng tinaguriang “Carrot Man” sa “Unang Hirit” nitong Lunes.

 

 

Carrot Man

 

 

“Opo, idol ko po siya. ‘Yung ‘Wowowin’ ay napapanuod po namin sa amin. Siya ang nagustuhan kong idol ko kasi po masaya ‘yung show niya at nagbibigay aral sa mga kabataan,” ayon kay Jeyrick sa ulat ng “24 Oras.”

Payo naman sa kaniya ni Willie sa binata, “Sabi ko sa kanya, ang malaking utang na loob mo ay doon sa kumuha sa ‘yo kasi lahat ng ‘to ay nangyayari (dahil doon). Kung hindi ka kinunan ng camera na ‘yun [at lumabas] sa Facebook, wala ka dito sa GMA, (hindi ka) nakita ni Ms. Jessica Soho.”

Matapos ang ginawang feature ng “Kapuso Mo Jessica Soho” tungkol kay Jeyrick at sa guesting ng binata sa “Unang Hirit,” plano naman ni Willie na i-guest ito sa kaniyang game show, na ipinapalabas araw-araw sa GMA Network.

 

Philippines Report

 

Credit: GMA News

 

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x