Philippines Report

Wish ni Angel Locsin sa 2021

Philippines Report January 4, 2021 News No Comments on Wish ni Angel Locsin sa 2021
Angel Locsin

Isang New Year wish list ang inilabas ni Angel Locsin sa pagpapalit ng taon.

“Very happy to end 2020 ,” ang panimula ng dalaga sa kanyang Instagram post.

Kasunod nito ay ang listahan ng mga bagay na nais niyang mangyari para sa taong 2021, kabilang dito ang pagbabalik ng ABS-CBN at pagtatapos ng pandemya.

Kapansin-pansin na ang mga hinihiling ni Angel na mangyari  ay repleksyon ng kanyang pagiging pilantropo: more job opportunities for all, magandang education, magagandang values para sa mga kabataan, tataas ang sweldo ng lahat, walang magugutom.

Hiling din ng dating Darna na walang masasaktan, walang mang-aabuso, walang corruption at gaganda ang kalikasan.

At isinama na rin niya na sana ay “papayat ako”  ngayong taon at “magandang love life para sa lahat.”

“Ibig sabihin, Lord, kayo na po ang bahala at kayo lang po ang makakagawa neto at kami pong mga tao ay mga instrumento mo lang po, Panginoon. Please guide us para sa mas maganda at payapang mundo para sa lahat!

Huling hirit ni Angel:  “PS. Sana hindi umulan sa kasal ko!

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x